Parang di ko na kaya pa to..
Bakit ganoon? Bakit parang may unknown forced na pumipigil sa plan kong magtrabaho ko..?
Oo nga, siguro I'm lucky na nakikita ko yung every milestone ng mga kids ko plus nakakasama ko sila lagi.
Eh pero in every minute na magkakasama kami ng mga babies ko kinakabahan naman ako para sa future nila kasi nga wala pa kaming ipon para sa future ng babies ko.
Plus, everytime na may pinapabili sa akin si Meganne na something na gustong gusto niya, di ko naman maibigay kasi nga wala naman akong pera eh. And it tears my heart to see her crying. Sabi ko nga sa sarili ko si Meganne pa lang ang nagpapabili, what if next year maging ganoon na rin si Allodia, yung parang si Meganne, eh di doble yung sakit na mararamdaman ko??
For the past 4 years, natiis ko na di makahawak ng pera. Sabi ko natural lang na wala akong pera kasi nga wala naman akong work and hindi naman na ako nagaaral. Sabi ko sa sarili ko titiisin ko munang alagaan na muna si Meganne, pag nagschool na siya, magwowork na ako at magkakapera na ako. Pero last year, natanggap na ako sa work noon. Nagkaproblem lang ako sa medical, so kailangan ng fit to work clearance and then isasali na nila ako sa training. I was super ready to work and all, but then I found out that I was a month pregnant. So hindi ako nakakuha ng fit to work clearance. Hindi ako natuloy sa work.
During that time, I felt so frustrated (pero mas frustrated ako ngayon). Kasi okay na eh. Nakapasa na ako sa interviews and examination. Nabigyan na nga ako ng contract. Tapos the day before the training biglang ganoon, biglang hindi ako matutuloy sa training because I need to secure them a med cert. So sabi ko pa noon, okay lang. Kukuha lang ako ng med cert. And all of a sudden nalaman ko na lang na buntis ako and my OB can't give me a fit to work clearance kasi maselan ako magbuntis. Haays... Buhay.
Pero nagmove on ako noon. Sabi ko, pagkapanganak ko magaapply agad ako ng work. Magtratrabaho agad ako para sa mga babies ko.
Ayun! Nanganak na ako tapos mag9 months na si Allodia this coming Sept. 20. And wala pa din akong work.
Nawawalan na ako ng pag-asa.. Parang gusto ko ng sumuko. Nahihirapan na kasi akong tanggapin etong nanyayari sa akin.
Si God naman hindi na ata nakikinig sa akin. Busy siguro siya ngayon sa pagtutok sa Zamboanga. Kaya napapabayaan na niya ako.
Siguro nga He's preparing something big for me.
Ang tanong kelan pa kaya mangyayari sa akin yang big thing na yan..??
May ngipin pa kaya ako pag binigay na niya yang blessing na yan??
Paano na ang pagaaral nila Meganne at Allodia??
Paano na si Allodia, eh hindi pa nga namin siya napapabinyagan. Hindi na rin maganda ang birthday niya??
Ewan ko na kung ano ba balak niya sa amin.
Pag naubos na yung backpay ni Melvin, paano na? Eh yung gym hindi pa namin maasahan kasi bagong bukas lang ulit.
Buhay nga naman oh.. Ang hirap magpakatatag. Sobrang nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung magiisip pa ako ng positive. Kasi baka naman pinapaasa ko lang ang sarili ko sa wala di ba?
Parang mas okay pa maging negative. At least prepared na ako sa mga masasama pang mangyayari. Kasi yun na ang ineexpect ko eh.
Baka nga wala ng magandang mangyayari sa akin..
Malas lang ng mga anak ko nadamay pa sila sa kamalasan ko. :(
Pati na baby Daddy ko.
Sorry sa kapalpakan ko. :((