Hi! How's your rainy day?
Hayyys. Well I'm sad, depress and angry right now.
I'm sad because hindi ako pinayagan ni Melvin na pumunta sa upcoming reunion namin ng barkada ko nung college on Saturday. :(
I'm depress because feeling ko parang porket siya ang kumikita sa amin, siya na dapat ang masusunod sa lahat ng bagay, regardless kung anuman ang opinion or mararamdaman ko about sa bagay na iyon. :(
I'm angry because I've talked to him in a nice way but he shouted at me. I can say that he freaked out when I told him about my plans this weekend. :(
Okay. Bago pa ako ulanin ng comments eto po muna yung plan DAPAT namin ng friends ko...
Since, Christine and her kids will be going back to L A on Monday, we planned to have a reunion before they leave. We settled it as Saturday, 1 pm in Christine's granny's place in Retiro, QC. Pero dahil nung Sunday namin plinano yan, nagbago and magbabago pa yan. So, nung Monday sabi ni Amelou hindi daw siya pwede ng Sat kasi may practice siya sa church nila. Thursday lang daw siya puwede. Eh si Crystal naman may work ng weekdays, so gabi lang siya puwede on Thursday. Sabi ko naman hapon na lang sana kasi gusto ko isama kids ko. So balik Saturday 1pm ulit kami. Si Amelou na lang ang nagadjust. Nagpaalam ako kay Melvin and pumayag siya. Tapos kahapon, Tuesday, sabi ni Christine, sa bahay na lang daw nila sa Malabon kami magreunion kasi maghahanda daw sila ng konti kasi birhtday naman ng bunso niya sa 28. So parang early celebration na lang daw. Medyo hindi okay kela Crystal and Amelou kasi ang layo. For me naman, kahit taga Pasig ako okay lang yun.. Kasi lrt 2 to lrt 1 plus jeep na lang ang drama namin kesa kung magtataxi kami from here( Pasig) to Retiro(QC) bonggang yayaman ang masasakyan naming taxi niyan. So settled na, Saturday, 1pm at Christine's place in Malabon. Eh di kanina, nagchachat kami ni Tin, tapos bigla niyang naisip magovernight na lang daw kami ng kids ko doon sa kanila. Punta na lang daw kami ng Friday afternoon doon then Saturday afternoon din kami uuwi. Kasi mahirap nga naman sa mga kids ko ang magbonggang travel galore in one day. Super duper commute lang kasi ang balak ko eh.. So I agreed with her pero sabi ko magpapaalam muna ako kay Melvin.
Eto na.. Nagpaalam ako kanina.. Medyo bumwelo pa ako na super kiss and lambing ako sa kanya..
Tapos nung kumakain na siya, doon na ako nagpaalam na kung pwede mag overnight kami ni Allodia kela Tine.. I've said it in a very nice, jolly and energetic manner with matching giggling pa yan ha! Tapos nagalit siya! Sabi niya, "unang paalam mo Saturday ka lang tapos ngayon, OVERNIGHT NA??! Tapos sa Malabon pa??! Tapos magLRT ka??! Kasama yang anak mo??! AYOKO!".. Marami pa siyang sinabi. Ako naman nung sinigawan na niya ako tumahimik na ako. I knew it! Di niya ako papayagan. Kahit yung Saturday lang, ayaw na rin niya. Malayo daw kasi masyado yung Malabon. Basta! Ang dami pa niyang sinabi..
Naiintindihan ko naman na he's just after our safety. Pero puwede naman na magusap lang kami di ba..? Hindi yung sinisigawan niya ako na parang may mali na akong ginawa.. Ni hindi na nga siya nagisip ng ibang paraan eh. Basta nagsabi na lang siya na hindi puwede. Ang sama ng loob ko. Hindi na niya inisip yung nararamdaman ko. Naiinis ako sa kanya kasi ang insensitive niya. For the past 4 years na naglilive in kami lagi na lang niya akong minamanduhan. Sa totoo lang ayoko na.. Gusto ko na siyang hiwalayan noon pa.. Yung mga kids at love ko lang kasi ang iniisip ko kaya nakakatiis pa ako.. Pero little by little napupuno na din ako. Naalala ko, dati noong 1 year + pa lang si meganne ready na akong igive up siya.. As in ayaw ko na sakanya.. Pero wala akong money noon para magsimula. Ayoko kasing umasa sa parents ko kasi I know na gipit din sila kasi nga my 2 younger sisters are still studying pa. Plus I found out na buntis ulit ako (si Allodia na po yung pinagbubuntis ko dito noon). Kung magdedesisyon ako, 2 buhay na ang maapektuhan. So nagdecide ako na ituloy pa rin relationship namin. Baka kasi magwork pa..Pero ngayon ayoko ng magtiis.
Sige, hahayahan ko siya ulit na masunod ngayon. Pero I'll make sure na next time hindi na.
Maghahanap ako ng work next week. Tapos magiipon lang ako ng konti. Tapos kukunin ko babies ko, aalis na kami dito. Bahala na si batman kung ano magiging effect nito sa mga babies ko.. Pero di na ako magtitiis sa kanya. Ayoko na. Babies ko na lang iisipin ko. Paulit ulit na lang. I'm so fed up. :(
Hi there sis.since you felt bad, i'll give you a *hug* tsk tsk tsk.. In my opinion,first mag usap muna kayo, yung heart to heart talk, tell him how you feel, make a deal with him.
TumugonBurahinI am a single mom, remember that and I can say that it is really difficult to be alone, lalo pa may kids ka na. Just to enlighten you, My honey Pj is also not allowing me to go anywhere lalo kung Overnight,I am the one who's working,though he is also having his raket too.
If additional source of income ang gusto mo,I can help you with that, if you want I know an online part time income, need mo lang maging matiyaga.. just send me email. Cheer up.. ^_^
thanks sis!okay na kami ngaun. We've settled things na..and pinayagan na niya akong makipag get together with my friends tom,saturday.
TumugonBurahinthanks sa time mo sis sa pagbabasa ng mga hinaing ko sa buhay..I super appreciate it..
pero anyway, I'm still interested sa sinasabi mong additional source of income..hehe.. :)
super thank you talaga ha..:)