Miyerkules, Hunyo 26, 2013

Job Hunt part 1

Hi everyone!

I've been busy these past few days..
I'm on a job hunt kasi.. Kaya busy busyhan pa ako ngayon.
Pero for the meantime, para may idea kayo kung saan ako nagapply and magaapply pa, here's my list of companies na gusto kong pasukan..

  • WNS
  • SYKES
  • ACCENTURE
  • IBM
  • SITEL
  • THE RESULTS
  • CONVERGYS
  • STREAM
  • HINDUJA
  • AEGIS PEOPLE SUPPORT
Yung mga may line na applyan ko na.. Well, baka hindi talaga ako para diyan.. 

Sa WNS sa Versant ako di nakapasa.. First time ko magVersant! Grabe! Dapat pala super lakas ng voice mo and dapat walang dead air.. Kahit pala ano na lang sabihin mo, kahit magdasal or kumanta ka. Basta ang importante loud and clear ang voice mo..

Sa SYKES naman.. Uhm.. Pumunta kasi ako sa Job Hunt nila sa Trinoma nung Monday (June 24). Ang saya lang kasi may free cupcakes, coffee, souvenirs and photo booth. But I only availed the cupcake and the souvenir kasi di ko feel magpapicture sa photo booth and ayaw ko na mangamoy coffee ang hininga ko. Sa initial interview pa lang, waley na ako! Eh kasi di ako comfortable pag marami kaming iniinterview ng sabay sabay! We were six in the table- 5 applicants plus an interviewer. So ayun, namental block ako kaya wala na.. Pero good thing na rin na pumunta akong Trinoma kasi marami palang call center ang nagcacareer fair doon. So after ng Sykes, lipat kami ng new friend ko, nakilala ko lang po siya sa pagaapply sa Sykes, sa 2nd floor ng Trinoma.

EPERFORMAX ang 2nd company na inapplyan namin on that day. So we passed our information to the HR and we waited our names to be called. But while waiting, we happen to have a little chat to our fellow applicants. And we knew from them that ACCENTURE is currently having their career fair on the 4th floor sa internet shop( I forgot the name of the shop). They even advised us to go to Accenture and passed our resumes while waiting our turn to be interviewed in ePerformax. So, sinunod namin sila. Pumunta nga kami ni Diane (my new friend) sa Accenture muna. Pero nung pagkapass namin ng filled out form na binigay nila, ininterview nila kami agad. Ako, sa initial interviewer muna. Si Diane, nag Berlitz na muna. Sa initial interview, well, nadalian ako kasi parang more on yes and no lang ang sinagot ko. So pasado na. Mas nauna akong natapos kesa kay Diane that's why I had to wait for her. After ng interview niya, takbo kami sa 2nd floor for our interview in ePerformax! So pagdating doon, ako muna ang nagpa intial interview. Okay. Pasado. Sabi I have to go back at 6pm sa kanila for computer assessment. After my interview, nasa escalator na pala si Diane kasi tinatawag na pala kami sa Accenture. So mega takbo ulit kami. Pag dating doon, si Diane naman ang nag intial interview and ako naman ang sa Berlitz. Okay naman ang Berlitz. Actually mas gusto ko pa to kesa sa Versant! haha. Share ko mga tanong..? uhm.. Tell me something about yourself, If given a chance to go anywhere in the world, where would that be and why?, If you'll have a super power, what would that be and why?.. Mga ganyan lang naman. So after ng interview, ang sabi sa akin, maghintay muna ako, while ang sabi kay Diane, they will call her within 24 hours, but if she didn't received any call that means to say that she didn't passed the interview. So sabi ko kay Diane puntahan na niya yung ePerformax kasi tinatawag na rin siya doon. We exchanged numbers muna bago kami maghiwalay. So I've waited muna doon. And then when they called me, for final interview na pala ako! Pero sa Boni site nila yung final interview kaya hinatid pa ako ni magandang HR sa shuttle service nila. On our way sa Boni, medyo hindi ako mapakali. And super practice ako ng mga answers. Pagdating doon sa Accenture Boni, I've waited muna mga 30 mins or 45 mins.. Mga ganun, then ininterview na nga ako. Manager ang interviewer. So super English na nga. Ayun hanggang sa sinabi na nga sa akin ni Mr. Manager na I don't fit in the account. Irerefer na lang daw nila ako sa ibang account. Kaya ayon.. Nalungkot lang talaga ako ng sobra..waah! After noon diretso uwi ako..

 Pero nung dumaan ako sa Robinson's Galleria (I'm from Pasig po kasi kaya dito sa Ortigas ang way ko) may Booth ang IBM. Ayoko na sanang magapply pero nagbakasakali lang talaga ako. So nagpass ulit ako ng resume and nagpa initial interview. Super drained na ang utak ko that time..Talagang kailangan ko pang magsorry sa interviewer ko and todo explain pa ako na maraming interviews ang pinagdaanan ko that day. Naintindihan naman niya yata. Basta ang sabi niya ifoforward na lang daw niya yung profile ko sa IBM eastwood and tatawagan na lang nila ako. So after nun, umuwi na po talaga ako. Waley na talaga akong energy and power para magpaimpress kaya kahit may pagkakataon pa na magappply, umuwi na ako. Plus inaalala ko pa si baby Allodia. Kasi exclusive breastfeeding ako sa kanya. Kaya sa 8 hours na hindi ko siya nakasama, 8 hours din siyang hindi nagmilk. Cerelac and water lang ang intake niya care of my loving partner Melvin. Kaya kahit may mga call centers pa na tumatanggap ng applicants until 7pm, umuwi na ako. Itutuloy ko na lang job hunt ko mga next week.. Sana makakuha na ako ng work..haist,.. Sana talaga!

2 komento:

  1. Why don't you try to teach english, marami dito sa Ortigas, tycoon and tektite bldg.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hmm..nu ba qualifications diyan sis??Kasi undergrad ako ng college.. til 3rd year lang inabot ko.. :)

      Burahin