Huwebes, Hulyo 11, 2013

Throw Back Thursday!

It's Thursday kaya konting throwbacking muna tayo.. :)


At their 1st month.
Can you tell me who is Meganne and Allodia??

I miss them nung ganyan pa sila kaliit.. Yung madali pang alagaan.. Yung time na super precious ng smile nila. Yung time na tulog lang sila ng tulog. Yung time na pag iniwan mo sila sa bed, pag balik mo andun pa rin sila sa spot na yun. Yung time na super dependent sila sa akin because I have their milk. Yung time na ang bango bango pa nila, yung amoy baby pa sila...

Pero siyempre kelangan din nilang lumaki.. Para mas mabigyan pa ako ng mas maraming kasiyahan and para maging part ng mundo. 

Haaays babies ko.. Ang bilis niyong lumaki! Parang konting tulog na lang magschool na kayo, tapos magkakaroon kayo siyempre ng friends, tapos biglang highschool na pala kayo, tapos dadating yung araw na you prefer to be with your friends kesa sa amin ni daddy niyo, tapos baka dumating na din yung araw na magcocollege kayo, basagan na yan ng alakansiya at ubusan ng savings, tapos may manliligaw na sa inyo, tapos MAGKAKABOYFRIEND NA KAYO??!(humaygawd!), tapos magbreabreak kayo, pero sa mga kaibigan niyo kayo iiyak at hindi sa amin ni daddy niyo, tapos gragraduate kayo ng college at magkakatrabaho agad, maari ding maisipan niyong bumukod na sa amin ni daddy niyo, tapos may MAGPROPROPOSE na sa inyo??!(humaygawd 2x), tapos MAGPAPAKASAL NA KAYO??!(hindi na humaygawd, mahihimatay na ako!), tapos BIBIGYAN NIYO NA KAMI NG APO???!(HUWAAT??!), tapos, tapos, tapos.......tapos may tumatawag na sa akin ngayon at nagpapatimpla ng milk!

Matagal pa pala yan.. Mageenjoy muna akong magtimpla ng milk niyo ngayon..:))

Happy Thursday everyone!




4 (na) komento:

  1. Korak.. I also miss baby days olds ni IVy... sigh.. miss ko na ulit mag ka baby.. Kelan kayo mag kaka baby no.2?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Actually sis 2 na babies ko.. si Meganne yung nsa right tpos si Allodia ang nsa right.. :)

      Burahin