Biyernes, Agosto 2, 2013

Hello August!

Bye July, hello August!

It's a new month, and so I have to move on and leave those problems to God.
Bahala na si God diyan, maloloka na ako pag ako pa ang inasahan Niyang magisip ng solution diyan. Hmp.

For the past days that I've been really feeling down, I've saw na hindi lang pala ako ang nadepress. Pati bahay namin nadepress! Maalikabok, may spider webs, magulo mga laruan at damit ng mga babies ko at bundok na po pala ang lalabhan ko!

Naku! Ang hirap pala talaga pag ang Mommy na ang nawala sa huwisyo. Kaya I really salute to tough moms out there. Pag Mommy talaga kailangan di ka lang matibay, matatag pa.

Anyways, madali lang naman solution sa household chores eh, isang mega bongang general cleaning lang yan. I'm sure ngayong nagbalik na ako sa sirkulasyon, magmumukha na ulit bahay itong bahay namin in no time.

And speaking of pagbabalik sa sirkulasyon, well, ito po ang mga ginawa ko nung feeling super down ako. Until now ginagawa ko pa rin yan, kasi siyempre di ko pa rin maiwasan paminsan minsan na isipin ang mga problema ko.

  1. Watch movies. I've watched 3 Idiots, Praybeyt Benjamin, Just like Heaven, Definitely Maybe, Just my luck and many more. Super Ganda po ng 3 Idiots. Promise! Panuorin niyo!
  2. Watch comedy shows. Like Showtime, Victorious, iCarly, Oggy and the Cockroaches, Phineas and Ferb. Redundant lang ba?? Haha! I just really love these shows!
  3. Talk, talk and talk. These past few days I really talk to my toddler a lot. Kahit wala ng sense, basta nakikipagusap lang talaga ako kay Megs. Haha. Sinasabi ko sa kanya yung mga naiisip ko, siya naman puros pabili and princess lang naririnig ko.. Haha.. Bata talaga.
  4. Read inspirational quotes. I actually use the God wants you to know application in facebook. Madalas tugmang tugma talaga siya sa nanyayari sa buhay ko. Parang its God's way of communicating to me.. Try it.
  5. Sing and listen to the music. Lately, favorite kong pakinggan ang Who says by Selena Gomez, One step at a time by Jordin Sparks and Fireworks by Katy Perry. Pero hindi po ako ang nagkaLSS sa mga yan. Sila Meganne and Melvin po ang naLSS, lalo na si Meganne sa Who says. haha!   
  6. And lastly but definitely most important thing to do is to PRAY. Pray with all your heart and soul. As in maya't maya kausapin natin si God. Hindi siya makukulitan. Promise. Baka ikaw pa nga makulitan sa gagawin mong pray maya't maya.
I know these are the most common things that you can do when you're depress. Or should I say kulang pa nga yan eh. Kasi wala pa diyan yung comfort food! As I've told you here, we are having financial problems, kaya mata ko lang muna ang nakakatikim sa mga comfort food na favorite kong kainin pag may money kami. 
Eto lang naman ang list of comfort food na kinabubusugan ng mga mata ko lately:

Zarks' burger 


J. Co Donuts

Bubblegum Mcdip



Ilocos sur's EMPANADA

BURP! Busog na mata ko.. Good night na! Happy Weekend! :)


  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento